BAGONG PASABOG Mga kontra sa “Martial Law”, libre pasahe sa Marawi – Sen. Zubiri

Hinamon ni senador Juan Miguel Zubiri ang mga kontra sa martial law sa Mindanao na pumunta ng Marawi City upang personal na makita ang sitwasyon doon at upang makumbinsi na kailangan ng batas militar sa buong rehiyon.

Hinamon din ni Zubiri si Sen. Risa Hontiveros na pumunta ng Mindanao para makita kung gaano ngayon kahimik ang buong rehiyon dahil sa umiiral na martial law.

Ayon sa senador, kahit sagutin niya ang pamasahe ng mga anti-martial law para makapunta ng Marawi City.

“Ang hamon ko nga sa kanila, itong mga hindi sumasang-ayon at sumisigaw po sa telebisyon na pumunta po sa Marawi. Kung gusto nilang pumunta ng Marawi bibigyan ko sila ng tiket, pamasahe. Bibigyan ko sila ng sasakyan para pumunta sa Marawi at kausapin yung Maute group, kung gusto nilang kausapin yung Maute group,” hamon ni Zubiri.

“Titingnan natin kung makalabas po sila ng buhay dun sa mga lugar na iyon dahil itong mga kalaban na ito napakahirap kausapin at halos imposible na po dahil ang gusto nila mamatay na tayong lahat,” giit pa ng senador sa isang panayam sa DZBB.

Si Hontiveros ay isa sa personalidad na dadalo sa Independence Day commemoration rally na gagawin ng civil society group sa Plaza Miranda sa mismong Araw ng Kalayaan.

Ngunit karamihan naman sa mga senador ang nagpahayag ng kanilang suporta sa martial law sa Mindanao kasunod ng panggugulo ng Maute group.

Labing-lima mula sa 23 senador ang lumagda sa Senate Resolution 388 na sumusuporta sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Anila wala silang nakikitang dahilan upang harangin ito at ang kaakibat na pagsususpinde ng writ of habeas corpus.

Pinagbasehan ng mga senador ang Section 18, Article VII ng 1987 Constitution kung saan hinahayaan ang martial law kung mayroon pananakop o rebelyon at kung kinakailangan ito upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Samantala, limang senador mula sa minorya ang nagpatawag ng joint Congressional session upang pag-usapan ang martial law sa Mindanao.

Ito ay sina Senators Francis Pangilinan, Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Antonio Trillanes IV at Bam Aquino.

Source: BANTE TONITE | Philstar

[source]


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento :

Mag-post ng isang Komento