President Duterte kay Chief Justice Sereno: Ma’am Huwag Kang Makialam sa Trabaho ko

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na huwag siyang paki-alaman sa kanyang trabaho partikular na sa paglaban sa iligal na droga.
“Ako ang pangulo ng bansa, may ginagawa ako para labanan ang problema sa droga na anim na taong inupuan ng gobyernong nag-appoint sa’yo”, paliwanag ni Duterte.
Dagdag pa ng pangulo, “Malinaw ang sinabi ko, wala akong utos na hulihin ang mga judges na sabit sa droga ng walang warrant of arrest, pati mga pulis hindi ko pinaaresto, ang sinabi ko magreport kayo sa Supreme Court”.
“Pareho tayong abogado kaya huwag mo akong turuan ng trabaho ko”, ayon pa kay Duterte.
“I’m giving you a warning. Don’t create a crisis because I will order everybody in the executive department not to honor you,”
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga opisyal at tauhan ng 4th Infantry Division ng Philippine Army sa Cagayan De Oro City, binigyang-diin din ng Chief Executive na walang mali sa ginawa niyang pagsasabi ng mga pangalan ng ilang mga patay na sangkot sa illegal drugs.
Kanyang sinabi na mahalagang malaman ng publiko kung paano sila nasangkot sa droga at kung ano ang naging epekto nito sa lipunan.
Nanindigan din ang pangulo na itutuloy nila ang pakikidigma sa mga taong nasa likod ng iligal na gamot kahit na nagbabanta ng Constitutional issue ang Supreme Court.

[source]


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento :

Mag-post ng isang Komento