Iraqi military, nagpahayag ng suporta sa mga nakikipaglaban sa Marawi

Nagpahayag ng suporta ang isang miyembro ng militar sa Iraq at isa nilang mamamahayag para sa mga militar ng Pilipinas na kasalukuyan pa ring nakikipagbakbakan sa mga teroristang Maute sa Marawi.

Sa isang liham na ipinadala sa mga bumibisitang opisyal ng Pilipinas sa embahada sa Iraq, sinabi ni Rabez Hasan na kaisa ng mga Pilipino silang mga Peshmerga o ang pwersa ng militar ng Iraq, sa pakikipaglaban sa mga ISIS.

Si Hasan ay mula sa Sulaymaniyah sa silangang bahagi ng Iraqi Kurdistan. Malapit si Hasan sa mga Pilipino dahil ang asawa ng kanyang kapatid ay isang Pilipina.

Ang mga Peshmerga ang nanguna sa operasyon ng Iraqi government upang bawiin ang Mosul na una nang sinakop at pinagkutaan ng ISIS bilang kanilang de facto capital sa Iraq.

Nakasulat ang “We hope and pray for your victory against Daesh! Long live the Philippines! Long live Kurdistan!” sa liham ni Hasan.

Maging ang isang journalist sa Iraq na si Bestoon Othman Khalid ay nagpadala ng sulat bilang suporta sa mga pwersa ng pamahalaan sa Pilipinas na nasa Marawi.

Aniya, ang ISIS ay isang banta sa seguridad ng buong mundo, kaya naman hinihimok niya ang lahat na magtulungan upang matalo ang “common enemy.”

Ang mga sulat ni Hasan at Khalid ay ang kanilang tugon sa panawagan ng Blas F. Ople Policy Center at Department of Foreign Affairs (DFA) na magpadala ng mga mensahe ng suporta ang mga OFW para sa mga tropa ng pamahalaang patuloy na nakikipaglaban sa mga Maute sa Marawi.

[source] – Radyo Inquirer


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento :

Mag-post ng isang Komento