P10 Billion budget para sa programang ‘Bangon Marawi’

Inianunsyo ngayon ng Malacañang ang ‘Bangon Marawi’ na isang recovery, reconstruction and rehabilitation program na pangungunahan ng Department of National Defense (DND) para sa pagbangon ng mga taga-Marawi pagkatapos ng krisis.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naisumite na ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang proposal na nagkakahalaga ng P10 billion at nakatakdang isasalang na sa pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Abella, makakatuwang ng DND ang DTI, DepEd, DSWD, DPWH, DoE at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Inaasahang magsisimula ang ‘Bangon Marawi’ na ipatutupad ng Engineering Brigade ng Philippine Army anim na buwan matapos ang clearing operations sa buong lungsod.

Posibleng mas matagal umano ang clearing operations sa central business district ng Marawi para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan.

[source]


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento :

Mag-post ng isang Komento