Lider ng Maute patay sa airstrike
Napaslang umano sa air strike operation si Omar Maute, isa sa lider ng Maute-ISIS sa Marawi City.
“We have report that Omar Maute was killed during one of the air strikes but we have to validate it carefully,” pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año base sa nakalap nilang impormasyon pero ayon sa opisyal ay kasalukuyan pa itong kinukumpirma.
Ayon kay Año, ang insidente ay naganap kamakailan.
Sinabi ni Año na tinatayang nasa 100 pang terorista ang nagmamatigas at patuloy pa ring nakikipaglaban sa Bangolo area sa Marawi.
Ang kapatid ni Omar na si Abdullah Maute at Abu Sayyaf commander Isnilon Hapilon na siyang tumatayong Emir ng ISIS sa Southeast Asia ay kabilang sa mga teroristang nakakalaban ng tropa ng mga sundalo sa Bangolo area.
Nitong Lunes ay nag-alok ng karagdagang P10M reward si Pangulong Duterte at tig-P5M naman para sa magkapatid na Maute.
Ang bakbakan ay muling sumiklab nitong Lunes sa patuloy na clearing operation sa lungsod ng Marawi.
Sinabi ni Año na nasa posisyon na sila ng ‘closed quarter battle’ sa bahagi na inookupa ng mga snipers ng mga terorista na nakakapagpabagal sa operasyon. [Read more: PhilStar]
0 (mga) komento :
Mag-post ng isang Komento