Duterte “Free Taxes sa mga Magsasaka, Mangingisda, Driver, Sari-sari store at Karenderya Vendor”

Isinusulong sa Senado na ilibre na lamang sa pagbabayad ng buwis ang maliliit na negosyo, gayundin ang mga marginal income earner.

image

Ayon kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on ways and means, malaking ginhawa para sa ordinaryong mamamayan na hindi na bubuwisan ang mga maliliit na negosyo.

Sa kasalukuyang tax regulations, ang marginal income earners ay ang mga indibidwal na may sari­ling pinagkakakitaan na ang gross sales ay hanggang P100,000 lamang.

Kabilang dito ang mga magsasaka at mangi­ngisda na direktang nagbebenta sa consumers, sari-sari stores, mga karinderya o turo-turo, drayber at operator ng isang unit ng tricycle.

Sa kasalukuyan, libre sa pagbabayad ng business taxes tulad ng VAT at percentage tax ang marginal income earners subalit nagbabayad pa rin sila ng income tax.

image from micefinder.com

Ang malilit na negosyo naman na may P3 million assets pababa ay maaari ring hindi na pagbayarin ng income tax, alinsunod sa umiiral na Barangay Micro Business Enterprise law, subalit kailangan muna silang magparehistro sa tanggapan ng City Treasurer sa kani-kanilang lugar.

[source] – Philstar


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento :

Mag-post ng isang Komento